Ilang buwan na ang nakalipas nang ipalabas namin ang OPM Dancesport Music 5 sa ilalim ng Dancesport Watazu. Sila ang napili naming maging album cover — isang koleksyon ng Pinoy music para sa dancesport. Para sa akin bilang manager ng Watazu, desisyong pang-propesyonal iyon. Pero sa totoo lang, proud din ako na mukha nila ang kumakatawan sa proyektong ito.
Hindi inaasahan na magkikita kami nang personal. Sa tulong ng aming dancesport guru mula sa Region 9, si Raul, nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko sila. Walang pasigaw na pagkakita, walang hagulgol. Simpleng kamayan, konting kumustahan, at pagkilala sa ambag nila sa industriya. Sapat na iyon para lalo kong hangaan ang disiplina at tatag nilang dalawa.
Hindi na kailangan ng grand gesture.
Minsan, ang pagiging manager at fan ay pwedeng magkasya sa isang mahinahong ngiti at pakikipagkamay. Salamat, Wilbert at Pearl. At salamat din kay Raul.
Sa mga di pa nakadownload, check out Dancesport Watazu on Spotify.
NB: Parang kahapon lang nung nirelease namin ang aming pinakaunang album. And now, 13 years after, Dancesport Watazu is now a by-word of Philippines dancesport music!

