Comment Section, the OG of Group Chat

Jeff Klein
0


Hindi ko na alam kung saan nagpunta ang lahat.

Ngayon, ang bilis ng lahat. Naka-Reels, naka-TikTok, naka-Stories na nawawala pagkatapos ng 24 oras. Ang "blog" ngayon ay para na lang sa SEO, para sa affiliate links, para sa "personal brand." Alam mo yun? Yung feeling na kailangan mong mag-perform sa sarili mong sulat? Nakakapagod.

Pero kanina, habang nakikita ko ang lumang Blogspot ko (oo, buhay pa siya, at gaya ng dati, halo-halo pa rin ang chika), bigla akong hinila pabalik sa 2006.

Yung panahon na ang blog ay parang kwarto mong pinapasok ng mga estranghero.

Hindi uso ang "content" noon. Ang uso ay ang pagkukuwento. Hindi mahalaga kung magaling kang magsulat o hindi -may mga ka-blog ako na ang grammar ay pinagsama-sama ang English at Tagalog na parang giniling, pero mas masakit pa sa puso ang sinusulat nila kaysa sa mga published author ngayon.

Walang filter. Walang "aesthetic." Kung gusto mong umiyak sa blog dahil iniwan ka ng crush mo sa SM North Edsa, gagawin mo. Kung gusto mong magpanggap na isa kang bampira o isang babaeng naliligaw sa kabilang mundo, or magpanggap na sosyal na kasambahay parang si Inday, go lang. Minsan nga di mo gets kung yung kwento ni Mandaya ay totoo pa or fiction hanggang nag face reveal na sya kay Kulot. 

Para kasi kaming nag-iiwan ng diary sa park bench, tapos may magbabasa, at imbes na husgahan ka, sasabihan ka ng: "Uy, naramdaman ko rin yan."

At ang best part? Ang Comments Section.



Grabe, hindi niyo na yata alam ‘to. Ang comments section noon ay hindi "engagement metric." Ito ang aming GC bago magkaroon ng GC. Isang araw, magko-comment ka ng "Ganyan talaga ang pag-ibig, beh." Kinabukasan, may reply na ang author ng "Oo, pero masakit pa rin." Tapos biglang may sisingit na ibang mambabasa: "Tara, coffee tayo sa may Morato?" At sa loob ng ilang oras, magkakaibigan na kayo.

Ang blog ang naging tulay. Ang pagsusulat ang naging unang usapan.

Na-miss ko yung aabangan mo ang bagong post ng kaibigan mo—hindi dahil sikat siya, kundi dahil gusto mong malaman kung anong nangyari sa nanay niya, o kung sinagot na ba siya ng katrabaho niya. Yung tipong mag-iiwan ka ng mahabang mensahe, at alam mong babasahin niya iyon ng paulit-ulit, tulad ng pagbabasa mo sa mga komento sa sarili mong blog.

Hindi ko sinasabing masama ang ngayon. Andito pa rin ako, nagsusulat pa rin (kaya nga ‘to, 'di ba?). Pero sa panahong puro "views" na lang ang labanan, na-miss ko ang panahong ang tanging puhunan namin ay oras at emosyon.

Yung tipong alas dos ng madaling-araw, nakatitig ka sa blinking cursor, at alam mong kahit isang tao lang sa kabilang dulo ng bansa ang magbasa, hindi ka nag-iisa.

Sa mga kablog ko mula 2006 hanggang ngayon: sana okay lang kayo. Sana masaya kayo kahit magulo ang mundo. At kung nababasa n’yo ‘to, comment naman kayo.

Miss ko na kayo. 

Pero di ko din alam kung san nagtatago si Bato.

Tanong nyo kay Robin.

Taena nyo!

Tags

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default